CMG Komentaryo: Diplomasya ng Hapon sa Tsina, tumatahak sa maling landas

2021-04-29 11:50:28  CMG
Share with:

Inilabas nitong Martes, Abril 27, 2021 ng Ministring Panlabas ng Hapon ang Diplomatic Bluebook sa taong 2021.
 

Sa isang banda, pinapalaki ng nasabing bluebook ang alitan ng Tsina at Hapon sa mga isla, binabanggit ang mga isyung gaya ng South China Sea, Hong Kong at Xinjiang, at ikinakalat ang umano’y pagiging banta ng Tsina; at sa kabilang banda naman, itinuturing nito na “isa sa mga pinakahalagang bilateral na relasyon” sa ekonomikong antas ang relasyong Sino-Hapones.
 

Ang paghihiwalay ng pulitika at kabuhayan ay nagpapakita ng napakalaking kontradiksyon sa patakaran ng Hapon sa Tsina.

CMG Komentaryo: Diplomasya ng Hapon sa Tsina, tumatahak sa maling landas_fororder_20210428Hapon

Sa katunayan, malubhang lumampas na sa redline ang isang serye ng kilos ng gabinete ni Yoshihide Suga, sa aspekto ng mga patakaran sa Tsina, lalong lalo na, ang hayagang pagpapahayag ng umano’y “pagkabahala” sa kalagayan ng Taiwan Strait.
 

Bukod sa elemento ng alyansa ng Amerika at Hapon, ang pagbabago ng paninindigang diplomatiko ng Hapon ay may kinalaman din sa epekto ng mga elementong gaya ng di-magandang reputasyon ng gabinete ni Yoshihide Suga, di-mabisang pagharap sa pandemiya, matuwal na kabuhayan at iba pa.
 

Dahil dito, ginawang mahalagang paraan ng pagpapahupa ng presyur ng pagpapatuloy ng termino ni Yoshihide Suga ang pagpapahigpit ng alyansa sa Amerika, at pagpapakita ng malakas na paninindigan sa Tsina.
 

Pero sa katunayan, dumedepende ng malaki pa rin sa pamilihang Tsino ang kabuhayan ng Hapon. Ang komprontasyong pulitikal ng Hapon na nakatuon sa Tsina ay taliwas sa pagsandig na ekonomiko nito sa Tsina.
 

Habang pinapalaki ang umano’y pagiging banta ng Tsina, di-maiiwasan ang makaapekto ito sa kalakalan at pamumuhunan ng Hapon sa Tsina.
 

Dapat malaman ng Hapon na bilang kapitbansa ng Tsina, walang anumang benepisyo sa kapakanan ng estado ang pakikipagsapalaran sa pagitan ng Tsina at Amerika.
 

Kailangang kailangan para sa Hapon na lumayo sa maling diplomatikong landas, at isaalang-alang muli ang relasyon sa Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method