Pinagtibay Mayo 28, 2021 ng 3 samahang agrikultural mula sa prepekturang Fukushima ng Hapon ang espesyal na resolusyon na tumututol sa kapasiyahan ng pamahalaang itapon ang nuclear wastewater sa dagat.
Binatikos ng resolusyong ito ang pamahalaang Hapones at Tokyo Electric Power Company (TEPCO) sa paglabag sa kasunduang naunang narating kasama ang samahan ng pangingisda ng Fukushima tungkol sa “di pagsasagawa ng anumang aksyon sa kontaminadong tubig-nuklear nang walang pag-unwa mula sa mga kaukulang tauhan.”
Sinabi ni Wang na ito ay muling nagpapakita ng paglabag ng pamahalaang Hapones sa pangako nito sa loob ng bansa, at pagtatakwil ng obligasyon nito sa labas ng bansa.
Ang kagawian nito sa paghawak sa nuclear wastewater sa Fukushima ay napaka—iresponsible, ani Wang.
Salin: Lito
Pulido: Rhio