Pinagtibay Hunyo 10, 2021, ng lehislatura ng Tsina ang Batas sa Hainan Free Trade Port, at nagkabisa ito kaagad.
Kaugnay nito, tinukoy ng kinauukulang namamahalang tauhan na ang naturang batas ay naging pundasyon para sa pagsasakatuparan ng inobasyong pansistema at pagpapasulong ng iba’t ibang reporma sa Hainan Free Trade Port.
Ang lehislasyong ito aniya ay lalo pang nagpapakita ng determinasyon ng Tsina sa pagbubukas sa labas at pagpapasulong ng globalisasyon ng kabuhayan.
Walong kabanata at 57 artikulo ang nabanggit na batas. Nakalakip dito ang mga nilalaman sa mga aspektong gaya ng kaginhawahan at kalayaan sa kalakalan at pamumuhunan, mga sistema ng pinansya at buwis, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, pagpapaunlad ng iba’t ibang industriya, pagtataguyod ng mga talento, at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Frank