Mutuwal na kapakinabangan, mahalaga para sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika

2021-06-11 16:01:27  CMG
Share with:

Sa kanilang pag-uusap sa telepono Hunyo 10, 2021, matapat na nagpalitan sina Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina at Gina Raimondo, Kalihim ng Komersyo ng Amerika, ng kuru-kuro sa mga isyung komersyal ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag ng kapuwa panig na napakahalaga ng diyalogo at pagpapalitan ng Tsina at Amerika sa larangang komersyal. Sinang-ayunan nilang pasulungin ang malusog na pag-unlad ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan at pamumuhunan, at maayos na hawakan ang mga pagkakaiba.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na bilang dalawang pangunahing ekonomiya sa daigdig, ang esensya ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay mutuwal na kapakinabangan.

 

Kasabay nito, binigyan ni Gao ng positibong pagtasa ang pagkansela ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sa ehekutibong kautusang nakatuon sa ilang app na pinatatakbo ng mga kompanyang Tsino na gaya ng TikTok at Wechat.

 

Samantala, kaugnay ng pagpapatibay ng Senado ng Amerika ng United States Innovation and Competition Act, tinukoy ni Gao na tinututulan ng Tsina na i-ugnay ng isang bansa ang sariling planong pangkaunlaran sa pagharang sa ibang bansa.

Mutuwal na kapakinabangan, mahalaga para sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika_fororder_zhongmei

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method