Ban sa mga APP ng Tsina na gaya ng TikTok at Wechat, inalis ni Pangulong Biden

2021-06-10 16:03:33  CMG
Share with:

Ban sa mga APP ng Tsina na gaya ng TikTok at Wechat, inalis ni Pangulong Biden_fororder_20210610TikTok

Pinawalang-bisa nitong Miyerkules, Hunyo 9, 2021 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang isang serye ng mga atas-ehekutibong nilagdaan ng dating administrasyon ni Donald Trump bilang ban sa maraming Chinese application (APP) na gaya ng TikTok at Wechat.
 

Kahalili nito ay isang bagong atas-ehekutibo na humihiling sa Kagawaran ng Komersyo ng bansa na tasahin ang mga APP na may kinalaman sa mga “kakompetisyong dayuhan,” at isagawa ang aksyon batay sa aktuwal na kalagayan.
 

Ayon sa news release ng White House nang araw ring iyon, layon ng nasabing atas-ehekutibo na itakda ang pamantayan, upang kilanin at tasahin ang mga APP na posibleng magsapanganib sa pambansang seguridad at seguridad ng mga sensitibong data ng bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method