Ngayong araw, Hunyo 15, 2021 ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Nitong nakalipas na 20 taon, ang SCO ay nagsilbing isa sa mga organisasyong may pinakamalaking impluwensiya sa relasyong pandaigdig, at masusing puwersa ng pangangalaga sa seguridad at katatagan ng rehiyon.
Tinukoy ni Sun Zhuangzhi, Director ng Institute of Russian, Eastern European and Central Asian Studies ng Chinese Academy of Social Sciences, na kahit 20 taon lang ang kasaysayan ng SCO, tiniyak nito ang isang bagong ideya ng kooperasyong panseguridad na kaiba sa ibang organisasyong panrehiyon. Kabilang dito ay bagong ideyang panseguridad, pagpapasulong ng seguridad sa pamamagitan ng kooperasyon, pagresolba sa alitan ng mga bansa sa paraang pulitikal at iba pa.
Ipinalalagay naman ni Prasoon Sharma, Direktor ng Centre for China Studies ng India Global, na pinapatingkad ng SCO ang mahalagang papel sa mga aspektong kinabibilangan ng pagpapasulong sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, pagpapaunlad ng kabuhaya’t kalakalan ng mga kasaping bansa at iba pa.
Kaugnay ng pag-unlad ng SCO sa hinaharap, inaasahan ni Sun Zhuangzhi na mapapatingkad ang mas positibong papel sa aspekto ng pagpapasulong sa demokratisasyon ng relasyong pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio