Sherali Saidamir Jonon: dapat palakasin ng mga miyembro ng SCO ang kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemiya

2021-05-16 12:48:58  CMG
Share with:

Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

Sa isang pandaigdigang simposyum na pinamagatang “Ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng SCO: Pagsulong ng Komunidad ng Komong Kapalaran na May Luntian, Malusog, at Komong Kaunlaran” na idinaos kamakailan, ipinahayag ni Zhang Hongjian, opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong 20 taong nakalipas, maraming pagsubok ang naranasan ng  mga kasaping bansa ng SCO dahil sa pagbabago ng situwasyong pandaigdig. . Pero, sa kabila nito, walang humpay aniyang pinalalalim ng mga kasaping bansa ng SCO ang kanilang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pulitika, seguridad, kabuhayan, at kultura, bagay na naghahatak tungo sa landas ng kooperasyon at kaunlaran.

Diin niya, iginigiit ng mga kasaping bansa ng SCO ang prinsipyong walang-pinapanigan, walang-komprontasyon, at di-pagtuon sa ikatlong panig, at hinihikayat ang mga bansang tagamasid at dialogue partners na aktibong makilahok sa konkretong kooperasyon ng SCO.

Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Sherali Saidamir Jonon, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng SCO, na ang pagkalat ng pandemiya ng COVID-19 ay nagdudulot ng napakalaking banta at hamon sa pag-unlad ng kabuhayan. Dapat aniyang magkaisa ang mga kasaping bansa ng SCO para magkakasamang labanan ang pandemiyang ito.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method