Ilang isyu, hindi pa nalulutas sa Vienna nuke talks —— Iran

2021-06-15 16:44:05  CMG
Share with:

Ipinahayag Hunyo 14, 2021, ni Saeed Khatibzadeh, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na ipinagpapatuloy ang pulong ng mga kinauukulang panig hinggil sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran sa Vienna, Austria, at hindi pa nalulutas ang ilang isyu.

 

Ilan aniya sa mga pangunahing isyu na hindi pa nalulutas ay mga isyu sa teknolohiya, legal at ehekutibo, pero, binigyang-diin niyang walang impasse ang talastasan.

 

Bukod dito, hinimok ni Khatibzadeh ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano na huwag ulitin ang hakbang ng pamahalaan ni dating Pangulong Donald Trump.

Ilang isyu, hindi pa nalulutas sa Vienna nuke talks —— Iran_fororder_iran

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method