Mas malaking ambag, tiyak na ibibigay ng SCO sa daigdig —— ministrong panlabas ng Tsina

2021-06-16 15:50:42  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati na ipinalabas sa resepsyon ng “Araw ng Shanghai Cooperation Organization (SCO)”  Hunyo 15, 2021, sa Beijing, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa patnubay ng “Diwa ng Shanghai,” nahanap ng SCO ang landas ng kooperasyon at pag-unlad na angkop sa aktuwal na kalagayan at pangangailangan ng rehiyon, at ibinigay ang mahalagang ambag para sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig at komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

Mas malaking ambag, tiyak na ibibigay ng SCO sa daigdig —— ministrong panlabas ng Tsina_fororder_wangyisco

Aniya, bilang miyembrong tagapagtatag ng SCO, palagiang priyoridad ng Tsina ang SCO sa patakarang diplomatiko. Simula nitong ilang taong nakalipas, ibinibigay aniya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga lider ng iba pang bansa, ang bagong katuturan sa “Diwa ng Shanghai,” na siya namang nagpapaliwanag sa direksyon ng malusog at matatag na pag-unlad.

 

Sa bagong punto ng pagsisimula sa kasaysayan, tiyak na magbibigay ng mas malaking ambag ang SCO para pasulungin ang kapayapaan at pag-unlad ng daigdig, dagdag ni Wang.

 

Kaugnay nito, iniharap niya ang 4 na mungkahi:

 

Una, pagtatatag ng bagong modelo ng “komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.” Ikalawa, paglalagay ng bagong puwersang tagapagpasulong sa kooperasyon at mutuwal na kapakinabangan.

Ikatlo, pagsusulat ng bagong pahina ng kooperasyon ng iba’t ibang sibilisasyon.

Ikaapat, pagsasabalikat ng bagong resposibilidad sa pagsasa-ayos ng daigdig.

 

Lumahok din sa naturang resepsyon si Vladimir Imamovich Norov, Pangkalahatang Kalihim ng SCO, at mga sugo galing sa mga miyembro, mga bansang tagamasid, mga dialogue partner at iba pa.

 

Ang Hunyo 15, 2021 ay ang Ika-20 Anibersaryo ng pagkakatatag ng SCO.

 

Ang naturang resepsyon ay magkakasamang itinaguyod ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC) at Sekretaryat ng SCO.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method