Ipinahayag Hunyo 16, 2021 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat kilalanin ng komunidad ng daigdig ang katotohanang lumitaw ang coronavirus sa iba’t-ibang lugar ng daigdig.
Dahil dito, sinabi niyang sa pamumuno ng World Health Organization (WHO), dapat isagawa ang susunod na pananaliksik sa pinagmulan ng naturang virus sa iba’t-ibang lugar ng daigdig at hindi sa iisang rehiyon lamang.
Ayon sa National Institutes of Health (NIH) ng Amerika, pagkaraang suriin ang mahigit 24 na libong blood sample na kinuha noong unang tatlong buwan ng 2020 mula sa mga mamamayan sa iba’t-ibang dako ng bansa, ipinalalagay ng organong ito na naganap ang coronavirus outbreak sa Amerika noong Disyembre 2019.
Ito ay ilang linggong mas maaga kumpara sa kauna-unahang opisyal na ulat ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa noong Enero 19, 2020.
Ayon kay Zhao, inaasahan ng Tsinang isasagawa rin ng ibang bansa ang pakikipagkooperasyon sa WHO sa pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, batay sa bukas, maliwanag at siyentipikong pakikitungo, upang sa gayo’y mapasulong ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa COVID-19 at iligtas ang mas maraming buhay.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio