Thailand, binabalak ang ganap na pagbubukas sa loob ng 120 araw

2021-06-17 16:20:47  CMG
Share with:

Thailand, binabalak ang ganap na pagbubukas sa loob ng 120 araw_fororder_20210617Thailand

Sa kanyang TV speech nitong Miyerkules, Hunyo 16, 2021, sinabi ni Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand na upang mapanumbalik ang kabuhayan at industriya ng turismo sa loob ng bansa, ganap na bubuksan sa mga turista ang Thailand sa loob ng 120 araw.
 

Saad niya, nitong nakalipas na isang buwan, maayos na sumusulong ang pagbabakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa iba’t ibang lugar ng bansa, at may kakayahan itong isakatuparan ang pag-iniksyon ng 10 milyong dosis na bakuna kada buwan.
 

Dagdag niya, tinatayang hanggang sa Oktubre ng taong ito, 70% populasyon ng bansa ang matuturukan ng di-kukulanging isang dosis ng bakuna kontra COVID-19.
 

Ayon kay Chan-o-cha, kung handang-handa na ang ilang mahalagang lunsod na panturista, maaaring mas maagang  magkakasunod na buksan ang mga ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method