Panig Tsino, umaasang magkasamang bibisita sa Tiangong ang mga astronaut na Tsino’t dayuhan sa malapit na hinaharap

2021-06-18 13:12:30  CMG
Share with:

Kaugnay ng matagumpay na paglulunsad ng Tsina ng Shenzhou-12 manned spacecraft at pagdaong nito sa Tianhe, core module ng istasyong pangkalawakan ng Tsina, sinabi nitong Huwebes, Hunyo 17, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang bawat hakbang ng manned space project ng Tsina ay nakapagbigay ng katalinuhan at puwersa ng bansa para sa mapayapang paggamit ng sangkatauhan ng kalawakan.
 

Inaasahan niyang sa malapit na hinaharap, magkasamang bibisita sa Tiangong space station ang mga astronaut na Tsino’t dayuhan.

Panig Tsino, umaasang magkasamang bibisita sa Tiangong ang mga astronaut na Tsino’t dayuhan sa malapit na hinaharap_fororder_20210618Shenzhou

Isinalaysay ni Zhao na ito ang ika-7 beses na pagbisita ng mga astronaut na Tsino sa kalawakan, at ang kauna-unahang manned space mission din sa proseso ng konstruksyon ng istasyong pangkalawakan.
 

Tatlong buwang mananatili sa kalawakan ang tatlong astronaut na Tsino na sina Nie Haisheng, Liu Boming at Tang Hongbo, para isagawa ang isang serye ng mga operasyong gaya ng in-orbit maintenance, siyentipikong pagsubok, pagpapalit ng mga pasilidad at iba pa.
 

Dagdag ni Zhao, patuloy na pag-iibayuhin ng Tsina ang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan, para maging laboratoryong makakapaghatid ng benepisyo sa buong sangkatauhan ang space station ng Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Jade

Please select the login method