Alas nuwebe beinte dos (9:22) ng umaga, Huwebes, Hunyo 17, 2021, matagumpay na inilunsad sa Jiuquan Satellite Launch Center ng Tsina ang Shenzhou-12 spacecraft lulan ang tatlong astronaut na Tsino na sina Nie Haisheng, Liu Boming at Tang Hongbo.
Sa ngayon ay pumasok na sa nakatakdang orbita ang nasabing sasakyang pangkalawakan.
Ang paglulunsad ay isa pang malaking hakbang tungo sa target ng Tsina na magtayo ng sariling istasyong pangkalawakan.
Ang naturang misyon ay ang ika-4 sa yugto ng pagsubok sa mga masusing teknolohiya, at ang kauna-unahang manned space mission sa proseso ng kontrstuksyon ng istasyong pangkalawakan.
Tatlong buwang mananatili sa kalawakan ang nasabing tatlong astronaut, para isagawa ang isang serye ng mga operasyong gaya ng pagkukumpuni sa labas ng module, pagpapalit ng mga pasilidad at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Shenzhou-12 spacecraft na may lulang 3 astronaut na Tsino, ilulunsad bukas
Tsina, isasagawa ang misyon ng pagkuha ng mga sample mula sa Mars sa taong 2030
Shenzhou-12 spacecraft ng Tsina, inihatid na sa launch pad para sa manned space mission
Xi Jinping, bumati sa tagumpay ng misyon ng paglapag ng probe sa Mars