Ipinatalastas kahapon, Hunyo 12, 2021, ni Tagapagsalita Xu Hongliang ng China National Space Administration, ang plano ng Tsina ng pagsasagawa ng misyon ng pagkuha ng mga sample mula sa Mars sa taong 2030.
Isinalaysay din ng tagapagsalita ang ilang planong pangkalawakan ng Tsina sa hinaharap, na gaya ng paglulunsad ng isang probe sa 2025 para kunin ang mga sample mula sa isang asteroid at galugarin ang isang comet, paggagalugad sa sistema ng Jupiter sa 2030, paglulunsad ng Chang'e-6 at Chang'e-7 lunar probe sa loob ng darating na limang taon para suriin ang kapaligiran at mga yaman at kunin ang mga sample mula sa polar region ng Buwan, at pagbibigay-wakas sa konstruksyon ng space station bago ang katapusan ng 2022.
Binigyang-diin din ni Xu, na ipagpapatuloy ng Tsina, kasama ng mga bansa, ang partnership at pagtutulungan sa mga misyong pangkalawakan sa hinaharap.
Editor: Liu Kai