Tsina, suportado ang Rusya’t Amerika sa pagkakaroon ng Strategic Stability Dialogue

2021-06-18 15:19:53  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Huwebes, Hunyo 17, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagsuporta ng bansa sa narating na komong palagay ng Rusya at Amerika para isagawa ang kanilang Strategic Stability Dialogue.

Tsina, suportado ang Rusya’t Amerika sa pagkakaroon ng Strategic Stability Dialogue_fororder_zhaolijian

Aniya, bilang dalawang bansa na may pinakamalaking nuclear arsenals, dapat sundin ng Rusya at Amerika ang mga kinauukulang dokumeto ng United Nations General Assembly (UNGA) at pandaigdigang komong palagay, isakatuparan ang kanilang espesyal at primaryang responsibilidad sa nuclear disarmament, at ibayo pang bawasan ang nuclear stockpile, sa pamamagitan ng napapatunayan, hindi maaaring pawalang-bisa at legal na paraan, upang lumikha ng kondisyon para sa pagsasakatuparan ng komprehensibong nuclear disarmament. Ito aniya ang pinakamabisang paraan para mapangalagaan ang estratehikong katatagan ng daigdig, at pasulungin ang kapayapaan at seguridad ng buong mundo.

 

Tinukoy rin ni Zhao na palagiang sinusuportahan ng Tsina ang pagsisikap ng komunidad ng daigdig hinggil sa pagkontral sa mga sandatang nuklear.

 

Muling ipinangako niyang sa loob ng mga framworks na kinabibilangan ng mekanismong pangkooperasyon ng limang bansang may sandatahang nuklear, Komperensya sa Disarmamento, UNGA First Committee at iba pa, nakahanda ang Tsina na patuloy na isagawa ang talakayan sa iba’t ibang kinauukulang panig kaugnay ng tema ng estratehikong katatagan.

 

Nakahanda rin ang Tsina na patuloy na isagawa ang bilateral na diyalogo sa kinauukulang panig kaugnay ng naturang paksa, saad ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Jade

 

Please select the login method