Cross Border E-Commerce: bagong puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina

2021-06-21 16:52:27  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas kamakailan ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong 2020, umabot sa 1.69 trilyong yuan RMB ang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa pamamagitan ng cross border e-commerce, at ang halagang ito ay lumaki ng 31.1% kumpara sa halaga noong 2019.

 

Cross Border E-Commerce: bagong puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina_fororder_ecomerce01

Ipinakikita nitong ang cross border e-commerce ay nagiging bagong puwersang tagapagpasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina.

 

Ayon pa rin sa datos, hanggang noong katapusan ng 2020, umabot sa 105 ang bilang ng mga pilot zone ng cross border e-commerce sa Tsina.

 

Samantala, noong Marso ng taong ito, idinaos ang kauna-unahang China Cross Border E-Commerce Trade Fair, na nilahukan ng 2,363 kompanya at 33 cross border e-commerce platform mula sa buong daigdig.

 

Lumampas naman sa 3.5 bilyong dolyares ang halaga ng mga panukalang transaksyong narating sa peryang ito.

Cross Border E-Commerce: bagong puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina_fororder_ecommerce02

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method