Online platforms ng Tsina, malaking potensyal para sa EntrePinoys sa panahon ng pandemya

2020-12-18 16:57:09  CMG
Share with:

Hindi na bago ang balita na sobrang laki ng industriya ng e-commerce sa Tsina. At mas lumaki pa ito dala ng pandemya ng COVID-19.  

 

Ayon sa Ministry of Commerce ng Tsina, noong unang hati ng 2020,  pumalo sa 5.15 trilyong yuan (mga 736.7 bilyong dolyares) ang online domestic retail sales ng Tsina.   Mas mataas ito ng 7.3% kumpara sa gayunding panahon ng 2019.

 

Ibinahagi ni Carol Ong, may-ari ng start-up na Bebebalm Skin Care, isang trend na lumabas sa panahon ng pandemya ay ang mga online markets.  Paliwanag niya bukod sa mga higanteng e-commerce platforms gaya ng Taobao, JD.com, Pinduoduo, at Tmall, magkaroon din ng bentahan sa mga WeChat chat groups,  social media na may hanggang 500 katao lang ang kasali.

 

Paliwanag ng mompreneur na naka-base sa Shanghai, “Instead na may physical markets na gaya ng bazaars, pop-up stores, ginawa nila ito online. So ang interesting thing dito, kung dati hindi tayo nakakasali sa Beijing, sa Tianjin, sa Suzhou yung mga malalayong lugar kasi physical lang ‘yun markets before, para sa micro-entrepreneurs like me, ngayon nagkakaroon ng chance kasi everyone is willing to buy on WeChat.”

 

Si Carol ay isa ring co-founder ng Philippine Chamber of Business & Professionals-Shanghai (PhilCham-SH).

 

Nitong Agosto, sa pangunguna ng PhilCham-SH, inilunsad ang kauna-unahang Filipino Virtual Market (FVM) sa WeChat. Halos 20 maliit na negosyanteng Pilipino ang nagpakilala ng kani-kanilang produkto. Hindi lamang isa, kundi tatlo ang nabuong grupo dahil sa malaking interes ng mga consumers mula sa iba’t ibang panig ng Tsina na nais bumili ng produktong Pinoy. May event ang FVM kada buwan.

 

Online platforms ng Tsina, malaking potensyal para sa EntrePinoys sa panahon ng pandemya

Si Carol Ong, naka-Filipiniana inspired coat, kasama ang iba pang founding members ng PhilCham

 

Saad ni Carol, sa malalaking expo sa Tsina noon kailangan ng physical set-up sa lugar mismo.  Pero ngayong taon, bunsod ng pandemya, nagbukas ang online platforms.  Ani Carol,  “It’s really a good opportunity, dapat i-grab nating entrepreneurs. For example nasa Philippines ka, so what everybody is doing online international  expos.  Ito yung bago - all the expos, all the markets, may online na katapat. And you can sell there and you can ship thru logistics, in one day to three days dumating na sa tao yung  order.”

 

Sa online shopping,  malaki ang ambag ng livestreaming sa pagbebenta ng mga produkto. Sa taon 2020, tinataya ng ulat ng CGTN na aabot sa isang trilyong Yuan ang halaga ng livestreaming e-commerce ng Tsina.

 

Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, sinabi ni Carol Ong na ang livestreaming ay napaka-normal na ginagawa dito sa mga e-commerce sites.  Aniya,“Iyong  mga Key Opinion Leaders o KOL ay  marami silang levels sa China. They have millions of millions of followers pero milyones din yung presyo.  So di natin ma-afford at this point.  Yung KOL kasi parang endorser. Talagang meron silang use, imaginin mo silang parang media channel. Celebrity endorsers sa atin kung baga.”

 

Para sa mga start-up na gaya ng maliit na kumpanya ni Carol,  mas OK ang mga Key Opinion Consumer o KOC. Sa opinyon niya, “Konti ang fans ng KOC, ilang libo lang pero authentic ang response nila, gumagamit sila ng produkto. Hindi sila yung binayaran ng malaki tapos nag-e-endorse.”

 

Payo niya sa mga negosyante, “ If you have the budget, you have to see, before engaging in a KOL or any influencer, you have to see muna kung ano talaga yung kailangan ng kumpanya mo. Ano ang thrust, ano ang vision, saan ba pupunta para magamit mo ng husto, kasi sobrang mahal yung mga influencers dito sa China. Hindi siya pakiusap na libre.”

 

Minsan, dumadating din ang swerte. Balik tanaw ni Carol,“Merong isang mini-KOL sa Shanghai, walang bayad ha, nag-try siya ng Bebebalm as in bumili siya. Tapos nag-work  sa eczema ng anak niya. Tapos nag-endorse siya on her own. Later bumili siya to resell.”

 

Ang ganitong pagkakataon ay maganda kung matitisod ng mga Pinoy seller. Dahil kung titingnan ang mas malaking scenario, bukod sa demand ng kapwa Pilipino, mas maganda para sa negosyo kung mas makikilala ang produkto sa dambuhalang pamilihang Tsino.

 

Ayon sa pagtaya ng eMarketer, sa taong 2020 ang e-commerce sa Tsina ay lalampas sa $2 trilyong dolyares. Mga 800 milyong Tsino ang tatangkilik sa online shopping.

 

Naniniwala si Carol Ong na ang digital economy ay bahagi na talaga ng pamumuhay sa Tsina. Aniya, “Pagdating mo sa China, its really much much more advanced, at least 5 years or 10 years more advanced compared to the rest of the world.  I would say na  para (maka)sabay  ang Bebebalm marami pa tayong bigas na kakainin at marami pa tayong coconut oil na papahirin.”

 

Ulat: Mac Ramos

Edit: Jade

Larawan: Carol Ong

Please select the login method