Talastasan sa kasunduang nuklear ng Iran, malapit sa pagkakasundo

2021-06-21 16:32:34  CMG
Share with:

Malapit sa pagkakasundo ang talastasan para mapanumbalik ang kasunduang nuklear ng Iran o tinawag minsang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), sinabi ng kinatawan ng Unyong Europeo (EU) pagkatapos ng ika-6 na round ng talastasang ito, na idinaos Hunyo 20, 2021, sa Vienna, kabisera ng Asutria.

Talastasan sa kasunduang nuklear ng Iran, malapit sa pagkakasundo_fororder_vienna

An Iranian flag is pictured at the United Nations headquarters in New York, January 8, 2020. /Xinhua

Ipinahayag ng panig ng EU na natamo ng talastasan ang progreso sa mga isyung teknikal, at mas maliwanag ang iba’t ibang panig hinggil sa teknikal na dokumento.

 

Umaasa rin ang EU na magkakaroon ang iba’t ibang panig ng mas maliwanag na ideya hinggil sa kung paaanong mararating ang pinal na kasunduan sa susunod na round ng talastasan.

 

Pero hindi binanggit ng naturang kinatawan kung kailan idaraos ang susunod na talastasan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method