Kaugnay ng pagkakaloob kamakailan ng Amerika ng 2.5 milyong dosis na bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Taiwan, ipinahayag Hunyo 21, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na suportado ang Tsina sa kooperasyon sa paglaban sa COVID-19. Pero aniya, hindi dapat gamitin ng Amerika ang isyung ito, para makialam sa suliraning panloob ng Tsina.
Ani Zhao, sa kabila ng kahandaan ng Chinese mainland na tulungan ang Taiwan sa paglaban sa pandemiya, at pangangailangan ng mga kababayan ng Taiwan sa mga bakuna, pinipigil ng awtoridad ng Democratic Progressive Party (DPP) ang pagsuplay ng bakuna ng mainland sa Taiwan, at inilabas din nito ang walang batayang pananalita, na humahadlang ang mainland sa pagbili ng Taiwan ng mga bakuna.
Dagdag ni Zhao, isinasagawa ng awtoridad ng DPP ang manipulasyong pulitikal sa kooperasyon ng paglaban sa COVID-19. Ito aniya ay pagpapawalang-bahala sa kalusugan ng mga kababayan ng Taiwan at lumalabag din sa makataong diwa.
Salin:Sarah
Pulido:Frank