Tsina sa Amerika at Timog Korea: Dapat maging maingat sa isyu ng Taiwan

2021-05-25 14:15:41  CMG
Share with:

Bilang tugon sa  magkasanib na pahayag ng Amerika at Timog Korea tungkol sa isyu ng Taiwan at South China Seaa, ipinahayag nitong Mayo 24, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Taiwan ay ganap na suliraning panloob ng Tsina na may kaugnayan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina. Hinding hindi ito dapat panghimasukan ng anumang dayuhang puwersa.

Ani Zhao, hinihimok ng panig Tsino ang mga kaukulang bansa na dapat maging maingat sa isyu ng Taiwan at huwag maglaro ng apoy sa isyung ito.

Kaugnay naman ng isyu ng South China Sea, sinabi niya na alinsunod sa pandaigdigang batas,  ang iba’t-ibang bansa ay may kalayaan ng paglalayag at paglipad sa South China Sea, at walang anumang umiiral na problema sa isyung ito.

Diin ni Zhao, iisa lang ang sistema sa daigdig na maituturing na pandaigdigang sistema na ang nukleo ay United Nations (UN). Iisa lang ang regulasyon na magiging pundamental na norma ng relasyong pandaigdig na ang pundasyon ay UN Charter, aniya pa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method