“Di-makatarungang sangsyon” ng Amerika laban sa Iran, dapat kanselahin - bagong halal na pangulo ng Iran

2021-06-22 17:03:02  CMG
Share with:

Sa news briefing na idinaos Hunyo 21, 2021, sa Tehran, ipinahayag ni Ebrahim Raisi, bagong halal na pangulo ng Iran, na dapat kanselahin ng Amerika ang lahat ng mga di-makatarungang sangsyon laban sa Iran, at dapat tupdin naman ng mga bansang Europeo ang kanilang pangako sa ilalim ng kasunduang nuklear o Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).

“Di-makatarungang sangsyon” ng Amerika laban sa Iran, dapat kanselahin - bagong halal na pangulo ng Iran_fororder_iran

Nanawagan din si Raisi sa Amerika na bumalik sa JCPOA at tupdin ang mga pangako.

 

Dagdag niya, hindi isasagawa ng Iran ang talastasan sa ibang bansa hinggil sa patakarang panrehiyon at isyung pandepensa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method