Pagsusuri sa Amerika hinggil sa COVID-19 at bio lab, hiniling ng Tsina

2021-06-23 13:59:25  CMG
Share with:

 

Muling ipinahayag ng Tsina ang mariing pagtutol sa pagdungis ng opisyal na Amerikano sa bansa hinggil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Hiniling din ng Tsina na isagawa ang tatlong ganap na imbestigasyon hinggil sa Amerika.

 

Kabilang sa naturang imbestigasyon ang ganap na pagsusuri sa pinagmulan ng epidemya ng COVID-19 sa Amerika, ganap na pagsusuri sa mga dahilan at mga dapat managot sa pagkabigo ng Amerika laban sa pandemiya, at ganap na imbestigasyon sa mga problema ng Fort Detrick at mahigit 200 bio labs na Amerikano sa iba’t ibang lugar ng daigdig.

 

Winika ito ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pananalita ni Press Secretary Jen Psaki ng White House hinggil sa pandaigdig na pagsusuri hinggil sa pinanggalingan ng COVID-19. Ani Psaki, magkakasamang magsisikap ang Estados Unidos at mga kaalyado nito para magpataw ng kinakailangang presyon sa Tsina sa pagbibigay ng transparent na datos at akses.

 

Salin: Jade 

Please select the login method