Pagtutulungan laban sa COVID-19 at paglago ng kabuhayan, pag-uusapan ng mga bansa ng Asya-Pasipiko

2021-06-22 20:56:28  CMG
Share with:

Idaraos bukas, Miyerkules, Hunyo 23, 2021, ang Pulong sa Mataas na Antas hinggil sa Pandaigdig na Kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) sa Rehiyong Asya-Pasipiko. Pangunguluhan ito ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina. 

 

Ito ang ipinahayag ngayong araw, Martes, Hunyo 22 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon. 

 

Ani Zhao, ang pulong na gaganapin sa pamamagitan ng video link ay naglalayong palakasin ang pagtutulungan laban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pasulungin ang muling paglago ng kabuhayan. 

 

Lalahok sa pulong ang mga ministrong panlabas at ministrong pangkabuhayan mula sa iba't ibang bansa ng rehiyon at mga kinatawan mula sa United Nations (UN) at iba pang organisasyong pandaigdig.  

 

Salin: Jade 

Please select the login method