Tsina at 62 bansa, nanawagan para sa pantay-pantay na pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19

2021-06-22 18:14:40  CMG
Share with:

Sa ngalan ng 63 bansa ng daigdig, nanawagan si Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa mga tanggapan ng United Nations (UN) sa Geneva, para sa pantay-pantay na pamamahagi sa buong mundo ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Inilabas ni Chen ang pahayag na ito sa pulong tungkol sa pagharap sa pandemiya ng COVID-19, na idinaos kahapon, Hunyo 21, 2021, sa sidelines ng ika-47 sesyon ng Konseho sa Karapatang Pantao ng UN.

 

Sinabi ni Chen, na mahalaga ang mga bakuna para sa pagharap sa pandemiya, kaya ang mga ito ay dapat maging "global public good."

 

Ikinababalisa aniya ng maraming bansa ang vaccine nationalism at pagkakaroon ng ilang bansa ng napakaraming bakuna na labis na mas malaki kaysa pangangailangan.

 

Dagdag ni Chen, hinimok ng nabanggit na 63 bansa ang mga mayamang bansa, na sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, suportahan ang napapanahong pagkuha ng mga bakuna ng mga ummunlad na bansa at di-maunlad na bansa.

 

Ayon sa may kinalamang ulat ng UN, sa mga 2.5 bilyong dosis ng bakunang naiturok sa buong daigdig, 0.3% lamang ang ginamit sa mga mahirap na bansa.

 

Samantala, nakakasiguro ang ilang bansang gaya ng Amerika, Britanya, at iba pa, ng pagkuha ng napakaraming bakuna, na sapat para sa ilang beses na inokulasyon sa kani-kanilang buong populasyon.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method