Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Hunyo 23, 2021, 16 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, at ang lahat nito ay galing sa labas ng bansa.
Samanatala, 1 ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso ng COVID-19, at ito rin ay galing sa labas ng bansa.
Hanggang magha-hati gabi ng Hunyo 23, 2021, 492 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Frank