Sa Ika-47 Sesyon ng Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations, ipinahayag Hunyo 23, 2021, ng Tsina at Timog Korea ang pagkabalisa sa desisyon ng Hapon tungkol sa paglabas ng radioactive wastewater ng Fukushima nuclear power plant sa dagat.
Sinabi ni Jiang Duan, Ministro ng Misyong Tsino sa Tanggapan ng UN sa Geneva, na dapat agarang kanselahin ng Hapon ang naturang maling kapasiyahan, at hindi dapat unilateral na ilabas sa dagat ang radioactive wastewater, para hindi makapinsala sa kalusugan at karapatang pantao ng mga mamamayan ng mga kapitbansa.
Ipinahayag naman ni Lee Tae-ho, Pirmihang Kinatawan ng Timog Korea sa Geneva, na batay sa pagbibigay ng pinakamalaking priyoridad sa kalusugan ng mga tao at pangangalaga sa kapaligiran, dapat maging transparent ang pamahalaang Hapones sa mga impormasyon, at gawin ang desisyon tungkol sa paghawak ng radioactive wastewater pagkaraan ng lubos na pakikipagsasanggunian sa mga kapitbansa.
Salin:Sarah
Pulido:Frank