White paper hinggil sa praktika ng CPC sa pangangalaga sa karapatang pantao, inilabas ng Tsina

2021-06-24 16:14:42  CMG
Share with:

Inilabas Huwebes, Hunyo 24, 2021 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa praktika ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa paggalang at pangangalaga sa karapatang pantao.
 

Anang white paper, ang kasalukuyang taon ay ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC. Nitong nagdaang 100 taon, nilikha ng CPC ang himala ng paggalang at pangangalaga sa karapatang pantao, at sinulat ang bagong kabanata ng sibilisasyon ng karapatang pantao.
 

Tinukoy ng dokumento na iginigiit ng CPC ang pagpapauna ng mga mamamayan, itinuturing na pinakamahalagang pundamental na karapatang pantao ang karapatan sa buhay at karapatan sa kaunlaran, ginagawang pinakamalaking karapatang pantao ang maligayang pamumuhay ng mga mamamayan, pinapasulong ang komprehensibong pag-unlad ng mga mamamayan, at walang humpay na pinapalakas ang damdamin ng pakinabang sa kaisipan, kaligayaan at damdaming panseguridad ng mga mamamayan. Matagumpay nitong binuo ang sosyalistang landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na may katangiang Tsino.

White paper hinggil sa praktika ng CPC sa pangangalaga sa karapatang pantao, inilabas ng Tsina_fororder_20210624WhitePaper

Anang white paper, iginigiit din ng CPC ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at pagpapasulong sa komong kaunlaran. Aktibong sumasali ang Tsina sa mga pandaigdigang suliranin ng karapatang pantao, nagbibigay ng katalinuhan at plano ng Tsina para sa pangangasiwa sa karapatang pantao ng daigdig, nagpapasulong sa pandaigdigang usapin ng karapatang pantao, at nagtatatag, kasama ng iba’t ibang bansa, ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Ayon sa white paper, sa ilalim ng pamumuno ng CPC, nagpupunyagi ang mga mamamayang Tsino para isakatuparan ang “Chinese Dream” hinggil sa dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.
 

Hanggang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, itatatag ng bansa ang dakilang modernong sosyalistang estado na may kasaganaan, demokrasya, sibilisasyon, harmonya, at kagandahan.
 

Sa panahon iyan, tiyak na magkakaroon ng garantiya sa mas mataas na lebel ang iba’t ibang karapatan ng mga mamamayang Tsino. May mas malaking dignidad, kalayaan at kabiyayahan ang mga Tsino. Tiyak na gagawin din ng Tsina ang mas malaking ambag para sa pagpapasulong sa usapin ng karapatang pantao ng buong mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Frank

Please select the login method