Mga diplomatang dayuhan, inanyayahang bumisita sa eksibisyon hinggil sa kasaysayan ng CPC

2021-06-24 16:36:56  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, bumisita Huwebes, Hunyo 24, 2021 ang mga diplomatang dayuhan at kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig sa Tsina sa eksibisyon hinggil sa kasaysayan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Mga diplomatang dayuhan, inanyayahang bumisita sa eksibisyon hinggil sa kasaysayan ng CPC_fororder_20210624diplomata1

Saad ni Wang, kung gustong malaman ang Tsina, ang CPC ay dapat maunawaan muna; kung gustong pag-aralan ang kasaysayan ng Tsina, dapat pag-aralan muna ang kasaysayan ng CPC.

Mga diplomatang dayuhan, inanyayahang bumisita sa eksibisyon hinggil sa kasaysayan ng CPC_fororder_20210624diplomata2

Aniya, inilalahad sa nasabing eksibisyon ang kahanga-hangang karanasan ng CPC nitong nakalipas sa 100 taon, at ipinakikita ang lohikang historikal, panteorya at panlipunan ng pag-unlad ng Tsina.

Mga diplomatang dayuhan, inanyayahang bumisita sa eksibisyon hinggil sa kasaysayan ng CPC_fororder_20210624diplomata3

Nananalig aniya siyang pagkaraang bumisita sa nasabing eksibisyon, mas direkta’t totoong mararamdaman ng mga kaibigang dayuhan na bakit pinili ng mga mamamayang Tsino ang CPC, ang sosyalistang landas na may katangiang Tsino, at ang nagsasarili’t mapayapang patakarang diplomatiko.
 

Pagkaraang bumisita sa esksibisyon, sunud-sunod na inihayag ng mga diplomatang dayuhan ang taos pusong pananabik sa pagpapalakas ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa CPC, at ibayo pang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Frank

Please select the login method