CPC, dapat maging gulugod ng Nasyong Tsino

2021-06-29 11:29:23  CMG
Share with:

Sa okasyon ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ginanap Martes ng umaga, Hunyo 29, 2021 ang seremonya ng paggagawad ng medalyang tinaguriang “Medalyang Hulyo Uno.”
 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na kinakailangan ang tiyak na paglitaw ng mga bayani sa bagong panahon.
 

Diin niya, sa mula’t mula pa’y dapat maging tagabunsod ng panahon at gulugod ng nasyon ang mga miyembro ng CPC.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method