Kinatawang Tsino, nanawagang imbestigahan ang krimeng panlahi ng mga bansang Kanluranin

2021-06-29 11:30:57  CMG
Share with:

Kinatawang Tsino, nanawagang imbestigahan ang krimeng panlahi ng mga bansang Kanluranin_fororder_20210629UN550

Sa kanyang talumpati sa ika-47 pulong ng United Nations (UN) Human Rights Council, tinukoy nitong Lunes, Hunyo 28 (local time), 2021 ni Jiang Rui, kinatawan ng pirmihang delegasyong Tsino sa Geneva, ang ginawang krimeng panlahi ng mga bansang Kanluraning tulad ng Amerika at Canada.

Ipinahayag ni Jiang na ang krimeng panlahi ay kasuklam-suklam, at ito ay nagdulot ng napakalaking kapahamakan sa sangkatauhan.

Sa kasamaang-palad, umiiral pa rin hanggang ngayon ang epekto nito.

Nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na isagawa ang komprehensibo, makatarungan at malalim na imbestigasyon tungkol dito at parusahan ayon sa batas ang mga may kagagawan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method