Beijing, Tsina—Ginanap nitong Lunes, Enero 11, 2021 ang ika-2 news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina hinggil sa mga isyung may kinalaman sa rehiyon.
Inilahad ni Xu Guixiang, Pangalawang Direktor ng Publicity Department ng Xinjiang, ang mga katotohanan at konkretong datos, bilang pagpuna sa tsismis na di-umamo’y “may malawakang surveillance, sapilitang pagpapatrabaho, at higit sa lahat, genocide sa Xinjiang.”
Diin ni Xu, ang mga ito ay pawang tsismis at ipinapakalat ng mga puwersa sa ibayong dagat na kontra Tsina.
Sa anggulo ng kasaysayan at katotohanan, pinuna rin niya ang iba’t ibang masamang kilos ng Amerika sa larangan ng karapatang pantao.
Saad ni Xu, ang mga kilos ng Amerika ay salungat sa katarungang pandaigdig, value discipline, konsiyensya ng sangkatauhan, pandaigdigang ideya ng karapatang pantao at mga simulain ng kombensyon ng karapatang pantao.
Ipinagdiinan din niyang totoong nangingibabaw sa Amerika ang genocide.
Dumalo sa news briefing ang mahigit 31 dayuhang media na kinabibilangan ng Cable News Network (CNN) ng Estados Unidos, Bloomberg News, Japan Broadcasting Corporation (NHK), Middle East News Agency (MENA) ng Ehipto, pahayagang “O Globo” ng Brazil, Associated Press of Pakistan (APP) at iba pa.
Salin: Vera