Muling hinimok Hunyo 28, 2021, ng Tsina ang Hapon na itigil ang pagtatanggi at pagpapaganda ng sarili nitong kasaysayang mapanalakay, sumunod sa pandaigdigang obligasyon sa karapatang pantao, at hawakan ang isyu ng “comfort women” batay sa matapat at responsableng pakikitungo.
Sa Interactive Dialogue ng United Nations (UN) Special Rapporteur on Violence Against Women sa idinaraos na Ika-47 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), tinukoy ni Jiang Duan, Ministro ng Misyong Tsino sa Tanggapan ng UN sa Geneva, na ang isyu ng “comfort women” noong panahon ng World War II ay katotohanang pangkasaysayan na hindi maaaring itanggi ng Hapon.
Bukod dito, ipinahayag din ng kinatawan ng Timog Korea na ang istigmatisasyon sa mga apektado at kawalan ng parusa sa mga salarin ay muling sumasariwa sa mga tinamong sugat ng mga biktima.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio