Sa kanyang talumpati sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng G20 na idinaos Hunyo 29, 2021, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa harap ng mahigpit na kalagayan ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa daigdig, dapat magkakasamang magsikap ang G20 sa 5 larangan:
Una, dapat igiit ang pagkakaisa at kooperasyon, at patingkarin ang namumunong papel sa paglaban sa COVID-19.
Ikalawa, dapat igiit ang multilateralismo.
Ikatlo, dapat igiit ang pagbubukas sa labas, para ipagkaloob ang puwersang tagapagpasulong para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigidg.
Ikaapat, dapat pasulungin ang sustenableng pag-unlad.
Ikalima, dapat palakasin ang sistema ng pagsasa-ayos sa daigdig.
Ipinahayag din ni Wang magsisikap ang Tsina, kasama ng mga miyembro ng G20, para pasulungin ang pagtatagumpay ng Rome Summit at itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio