Suportang pinansyal sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ipinanawagan ng mga ministro ng pinansya ng G20

2021-04-08 11:34:19  CMG
Share with:

Ipininid nitong Miyerkules, Abril 7, 2021 sa Rome, Italya ang pulong ng mga ministro ng pinansya at presidente ng mga bangko sentral ng G20.
 

Nagkaisa ng palagay ang iba’t ibang panig hinggil sa mga paksang gaya ng pag-iwas sa labis na maagang pag-aalis ng expansionary policy, pagpapasulong sa reporma ng pandaigdigang sistema ng buwis, pagbabago ng klima, sustenableng pag-unlad at iba pa.
 

Ayon sa magkasanib na komunikeng inilabas pagkatapos ng pulong, nagkaroon ng komong palagay ang iba’t ibang panig hinggil sa patuloy na pagpapalakas ng kooperasyon, upang harapin ang mga pangunahing hamon sa kabuhayang pandaigdig.

Suportang pinansyal sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ipinanawagan ng mga ministro ng pinansya ng G20_fororder_20210408G20

Preskon pagkatapos ng pulong ng mga ministro ng pinansya at presidente ng mga bangko sentral ng G20

Buong pagkakaisa nilang sinang-ayunang patuloy na ipagkaloob ang suportang pinansyal para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Tinukoy rin ng komunike na nagiging mas pangkagipitan ang isyu ng pagbabago ng klima at pangangalaga sa kapaligiran.
 

Sa hinaharap, tatalakayin ng mga ministro ang hinggil sa kung paano mas mainam na isasakatuparan ang target ng sustenableng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.
 

Ito ang ika-2 pulong ng mga ministro ng pinansya at presidente ng mga bangko sentral ng G20, sapul nang manungkulan ang Italya bilang tagapangulong bansa nito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method