Ipinahayag Hunyo 30, 2021, ng Tsina at ilang bansang may katulad na paninindigan ang pagkabahala sa kalagayan ng karapatang pantao sa Britanya.
Sa magkasanib na talumpating ipinalabas sa idinaraos na Ika-47 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ipinahayag ni Jiang Duan, Ministro ng Misyong Tsino sa Tanggapan ng UN sa Geneva, na palagiang umiiral sa Britanya ang malubhang rasismo, diskriminasyon, pananalita ng pagkamuhi, senopobia at mga kinauukulang karahasan.
Sinabi rin niyang pinaslang ng ilang kagawad-militar ng UK ang mga sibiliyan sa aksyong militar sa ibayong dagat, at sa kabila nito tangkang pagtakpan ng nasabing bansa ang mga salarin at iligtas sila sa paraan ng lehislasyon.
Hinimok ng magkasanib na talumpati ang pamahalaan ng UK na tumpak na hawakan ang isyu ng karapatang pantao at agarang itigil ang lahat ng aksyon na labag sa karapatang pantao.
Ang nasabing magkasanib na talumpati ay binigkas sa ngalan ng mga bansang kinabibilangan ng Rusya, Belarus, Hilagang Korea, Sri Lanka, Iran, Syria, Venezuela, Bolvia at iba pa, sa Interactive Dialogue with the Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary or Arbitrary Executions ng Ika-47 pulong ng UNHRC.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio