Mga umuunlad na bansa, patuloy ang suporta sa Tsina sa UNHRC

2021-06-28 15:47:00  CMG
Share with:

Ginaganap ngayon ang ika-47 Sesyon ng United Nations Human Rights Coucil (UNHRC). Sa pamamagitan ng magkakaibang paraan, tuluy-tuloy na inihayag ng mga bansa ang pagsuporta sa Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Xinjiang, Hong Kong, at Tibet, at pagtutol sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
 

Nilagdaan ng Grenada ang magkasanib na talumpating ginawa kasama ang Belarus sa UNHRC bilang pagsuporta sa Tsina.
 

Bukod pa riyan, nauna ring lumagda sa nasabing talumpati ang 66 na bansa.
 

Nagtalumpati rin ang ilang bansang gaya ng Madagascar at Chad, para katigan ang Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method