Laging nagsisikap ang Tsina para pangalagaan ang pandaigdig na kapayapaan at ito ay nag-aambag para sa pandaigdigang kaunlaran at kaayusan. Ang agresibo't hegemonistang punla ay hindi taglay ng nasyong Tsino.
Ito ang mariing ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumapti bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ngayong umaga sa Tian'anmen Square sa Beijing, kabisera ng bansa.
Dagdag ni Xi, pinagmamalasakitan ng Tsina ang kinabukasan ng sangkatauhan, at nakahanda ang bansa na umunlad, kasama ng lahat ng mga progresibong lakas ng daigdig.
Hindi kailanman nang-api o mang-aapi, naniil o maniniil, nanakop o mananakop ang Tsina sa mga mamamayang dayuhan; pero, hinding-hindi rin ito papayag na maapi, masiil o masakop ng mga dayuhan, pahayag ni Xi.
Si Pangulong Xi ang siya ring Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Xi: Mga mamamayan, tagapaglikha ng kasaysayan at tunay na bayani
White paper hinggil sa sistema ng partido pulitikal, inilabas ng Tsina
Dr. Rommel Banlaoi: Partido Komunista ng Tsina, mas creative, innovative at mas engaging ngayon
Dr. Rommel Banlaoi: Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, sana'y hindi matinag