Pagresolba sa isyu ng Taiwan, tungkuling historikal ng CPC—Xi Jinping

2021-07-01 11:30:19  CMG
Share with:

Ipinagdiinan Miyerkules, Hulyo 1, 2021 ni Pangulong Xi Jinping Tsina, na ang pagresolba sa isyu ng Taiwan at pagsasakatuparan ng ganap na reunipikasyon ng inang bayan ay nananatiling tungkuling historikal ng Partido Komunistan ng Tsina (CPC).
 

Aniya, hindi dapat maliitin ng sinuman ang malakas na determinasyon, matibay na mithiin at malaking kakayahan ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.

Pagresolba sa isyu ng Taiwan, tungkuling historikal ng CPC—Xi Jinping_fororder_20210701Taiwan

Dagdag ni Xi, dapat komprehensibo’t wastong ipatupad ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” pamamahala sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong, pamamahala sa Macao ng mga taga-Macao, at autonomiya sa mataas na antas, ipatupad ang karapatan ng komprehensibong pangangasiwa ng pamahalaang sentral sa mga espesyal na rehiyong administratibo ng Hong Kong at Macao, ipatupad ang mga batas at mekanismo ng pagpapatupad ng Hong Kong at Macao sa pangangalaga sa pambansang seguridad, at panatilihin ang pangmalayuang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at Macao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method