Nang balik-tanawin ang proseso ng pagpupunyagi ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) nitong 100 taong nakalipas, ang matapang na pagsasagawa ng rebolusyon sa sarili ay ang malinaw na sagisag nito kumpara sa ibang mga partido.
Noong taong 1926, isinapubliko ng CPC ang unang dokumento ng paglaban sa korupsyon. Mula sa pamumuno sa rebolusyong Tsino, pagtatatag ng bagong Tsina, hanggang sa pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas, walang patid na isinusulong ng CPC ang kmprehensibo’t mahigpit na pagsasaayos sa partido.
Partikular na mula noong Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, binibigyang-dagok ng partido ang korupsyon sa “zero tolerance” attitude, bagay na malinaw na itinaas ang kakayahan ng pamumuno nito na nag-iwan ng malalim na impresyon sa komunidad ng daigdig.
Ayon sa estadistika ng panig opisyal ng Tsina, mula noong Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, siniyasat at inimbestigahan ng discipline inspection department ng Tsina ang mahigit 3.8 milyong kaso, at binigyang-parusa ang mahigit 4.08 milyong opisyal nito.
Ang korupsyon ay komong hamong kinakaharap ng mga naghaharing partido ng iba’t-ibang bansa. Walang ibang partidong tulad ng CPC, ay itinuturing ang korupsyon bilang problemang may kaugnayan sa sariling buhay.
Dahil malinaw na nabatid ng CPC na kung kakalat ang problema ng korupsyon, hindi lamang mawawalan ng puso ng mga mamamayan, kundi mawawalan ng kakayahan ng pamumuno nito.
Salin: Lito