Ipinatalastas Lunes, Hulyo 5, 2021 ni Hu Zhaoming, Tagapagsalita ng Departamentong Pandaigdig ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na gaganapin Hulyo 6 ang CPC at World Political Parties Summit via video link.
Aniya, dadalo at bibigkas ng talumpati sa summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Bukod dito, dadalo rin ang mga lider at kinatawan ng mahigit 500 partido at organisasyong pulitikal mula sa mahigit 160 bansa ng daigdig.
Layon ng nasabing summit na palakasin ang pakikipagpalitan ng CPC sa mga partido ng iba’t-ibang bansa, sa larangan ng pamamahala sa estado at administrasyon, upang magkakasamang harapin ang napakalaking pagbabago ng kayariang pandaigdig at hamong dulot ng pandemiya ng COVID-19; palakasin ang ideya at kakayahan sa paghahanap ng kaligayahan ng mga mamamayan; pasulungin ang kapayapaan at kaunlarang pandaigdig; at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran.
Salin: Lito
Pulido: Rhio