Mahigit 300 libong mamamayan ng Myanmar, nagrehistro para bumili at magpa-iniksyon ng bakunang Tsino

2021-07-11 12:07:20  CMG
Share with:

Mahigit 300 libong mamamayan ng Myanmar, nagrehistro para bumili at magpa-iniksyon ng bakunang Tsino_fororder_20210711Myanmar550

Nitong isang buwang nakalipas, sumiklab sa Myanmar ang ika-3 COVID-19 wave at mabilis itong kumakalat.

Kasabay ng pagsasagawa ng mahigpit na hakbangin Ministri ng Kalusugan at Palakasan ng Myanmar para pigilan ang pandemiya, hinihikayat nito ang mga pribadong bahay-kalakal at organisasyong di-pampamahalaan na bumili ng bakuna mula sa labas ng bansa.

Mula noong huling dako ng nagdaang buwan, itinaguyod ng Myanmar Chinese Chamber of Commerce (MCCOC) ang ng pagbili ng mga bakuna mula sa Tsina, bagay na aktibong nilalahukan ng mga samahang panlipunan at kompanya ng bansang ito.

Hanggang noong Hulyo 9, mahigit 300 libong mamamayan ng Myanmar ang nagrehistro para sa nasabing aktibidad.

Ipinahayag kamakailan ng tagpagtaguyod ang pag-asang sa pamamagitan ng aktibidad na ito, maiiniksyonan ng bakunang Tsino ang mas maraming mamamayan ng Myanmar.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method