Mahigit 1.7 milyong Tsino sa ibayong dagat, nabakunahan kontra COVID-19 sa ilalim ng tulong ng Ministring Panlabas ng Tsina

2021-07-02 15:00:26  CMG
Share with:

图片默认标题_fororder_20210702bakuna

Isinalaysay nitong Huwebes, Hulyo 1, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa ilalim ng tulong ng kanyang ministri at mga embahada’t konsulado sa iba’t ibang lugar ng daigdig, mahigit 1.7 milyong mamamayang Tsino sa mahigit 160 bansa ang naturukan ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Aniya, patuloy na palalakasin ng panig Tsino ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga kaukulang bansa, at sa ilalim ng paunang kondisyon na pagsunod sa mga batas at regulasyon ng ibang bansa at paggalang sa sariling mithiin, tutulungan ang mas maraming mamamayang Tsino sa ibayong dagat upang maturukan ng bakuna sa lalong madaling panahon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method