Hanggang ngayon, 500 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 ang ipinagkaloob ng Tsina sa mahigit 100 bansa na kinabibilangan ng Pilipinas at mga organisasyong pandaigdig. Katumbas ito ng 1/6 ng kasalukuyang pandaigdig na produksyon ng bakuna ng COVID-19.
Winika ito ni Guo Xuejun, Pangalawang Direktor-Heneral ng Departamento ng mga Usapin ng Pandaigdig na Kabuhayan ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa panayam sa Xinhua News Agency, nitong Biyernes, Hulyo 9, 2021.
Kasabay nito, aktibong kinakatigan din ng Tsina ang iba pang mga umuunlad na bansa sa pagpoprodyus ng mga bakuna, para mapalakas ang kapasidad ng bakuna ng daigdig, dagdag pa ni Guo.
Diin ng opisyal Tsino, sa hinaharap, patuloy na makikipagtulungan ang Tsina sa lahat ng panig para mapahigpit ang kooperasyong pambakuna, ibayo pang mapasulong ang madaling pagkakaroon at murang halaga ng bakuna ng mga umuunlad na bansa. Layon nitong magsagawa ang Tsina ng mas malaking ambag para labanan ang pandemiya at mapasulong ang muling paglago ng kabuhayan ng daigdig, saad pa ni Guo.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Pangulong Duterte: Tsina, kaibigan at katuwang para sa kapayapaan at kaunlaran
Pangulong Tsino, nakikidalamhati sa trahedya ng bumagsak na eroplanong militar ng Pilipinas
Karagdagang 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas
Karagdagang 2 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas