Pagkakaibigan, kooperasyon at win-win situation ng Tsina at Rusya, hindi magbabago—Wang Yi

2021-07-12 15:58:44  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagkalagda ng China-Russia Treaty of Good-neighborliness and Friendly Cooperation sa Beijing nitong Linggo, Hulyo 11, 2021, ipinagdiinan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na kahit anumang pagbabago ang maganap sa kalagayang pandaigdig, hinding hindi magbabago ang orihinal na aspirasyon ng Tsina at Rusya hinggil sa pagkakaibigan sa loob ng hene-henerasyon, kooperasyon at win-win na situwasyon, katapatan sa pagkatig sa isat-isa at pagtutulungan, at determinasyon sa pagtatanggol sa kapayapaan at katarungan.

Pagkakaibigan, kooperasyon at win-win situation ng Tsina at Rusya, hindi magbabago—Wang Yi_fororder_20210712TsinaRusya1

Saad ni Wang, noong nagdaang 20 taon, lumagda ang Tsina at Rusya sa nasabing kasunduan, bagay na tumiyak sa pangkalahatang prinsipyo ng relasyon ng dalawang bansa kaugnay ng “pagkakaibigan sa hene-henerasyon, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan,” at nukleong pagpapahalaga tungkol sa “buong tatag na pagkatig sa isa’t isa.”
 

Ginawang komong tungkulin ng kapuwa panig ang “pagpapalakas ng kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kooperasyon ng daigdig,” aniya pa.
 

Ani Wang, inilabas kamakailan ng mga pangulo ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag, kung saan pormal na ipinatalastas ang pagpapahaba ng kasunduang nito.
 

Nanawagan siyang ibayo pang palakasin ang estratehikong koordinasyon ng dalawang bansa, igiit ang multilateralismo, tutulan ang hegemonismo at power politics, at iboykot ang “new cold war” at clique confrontation.

Pagkakaibigan, kooperasyon at win-win situation ng Tsina at Rusya, hindi magbabago—Wang Yi_fororder_20210712TsinaRusya2

Inihayag naman ni Andrey Denisov, Embahador ng Rusya sa Tsina, ang kahandaan ng panig Ruso na isakatuparan, sa abot ng makakaya, kasama ng panig Tsino, ang bagong target ng kooperasyon ng dalawang bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method