Sa pamamagitan ng video link, nag-usap Lunes ng hapon, Hunyo 28, 2021 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Sa isang magkasanib na pahayag matapos ang pag-uusap, pormal na ipinasiya ng mga lider ng dalawang bansa ang pagpapahaba sa China-Russia Treaty of Good-Neighborliness and Friendly Cooperation.
Dahil sa epektong pulitikal ng pandemiya ng COVID-19, ang pagpapahaba ng nasabing kasunduan ay hindi lamang saksi sa napakalakas na bitalidad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Rusya sa bagong siglo, kundi iniksyon din ng positibong puwersa sa pangangalaga sa kaligtasan at katatagang pandaigdig.
Nitong 20 taong nakararaan, ang pagkakalagda sa China-Russia Treaty of Good-Neighborliness and Friendly Cooperation ay isang napakalaking pangyayari sa relasyong Sino-Ruso, bagay na nakapaglatag ng pundasyon ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng kapwa panig bilang pinakamalaking magkapitbansa.
Nitong 20 taong nakalipas, lagi’t laging iginigiit ng kooperasyong Sino-Ruso ang prinsipyong walang pinapanigan, walang komprontasyon, at di-pagtuon sa ikatlong panig.
Samantala, palagian ding iginagalang ang nukleong kapakanan ng isa’t-isa, at binibigyang-pansin ang makatuwirang pagkabahala ng isa’t-isa, dahilan upang tumahak ang dalawang panig sa isang bagong landas ng pakikipamuhayan ng malalaking bansa sa daigdig.
Ito ay hindi lamang nangangalaga sa komong kapakanan ng dalawang bansa, kundi nakakapagbigay ng mahalagang ambag para sa paggarantiya sa kapayapaan at katatagang pandaigdig.
Ang pag-uusap ng mga lider ng Tsina at Rusya at kanilang inilabas na magkasanib na pahayag, ay g malinaw na nagpahayag ng kanilang pagtutol sa hegemonya at unilateralismo, at matatag na suporta sa nukleong kapakanan ng isa’t-isa.
Kung ihahambing sa kagawian ng ilang bansang Kanluraning nagpapauna ng kanilang sariling kapakanan sa pamamagitan ng pagbalangkas ng sariling regulasyon o tadhana, ang magkasamang ipagtatanggol ng Tsina at Rusya ay makatarungan at makatuwirang kaayusang pandaigdig, at ang kanilang pangangalaga sa isat-isa ay nagsisilbing komong kapakanan ng nakakaraming bansa sa daigdig.
Napapatunayan ng katotohanan na kailangan ng Rusya ang isang masagana at matatag na Tsina, at kailangan din ng Tsina ang isang malakas at matagumpay na Rusya.
Para naman sa daigdig, kinakailangan ang mga positibong lakas at matatag na elementong dala ng Tsina at Rusya.
Makikitang sa kasalukuyang kalagayan ng pagharap ng sangkatauhan sa maraming krisis, kung magiging mas mahigpit ang estratehikong pagtutulungang Sino-Ruso, magiging mas ligtas at matatag ang daigdig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Tsina, suportado ang Rusya’t Amerika sa pagkakaroon ng Strategic Stability Dialogue
Diyalogo para sa estratehikong katatagan, sisimulan ng Rusya at Amerika
Tsina at Rusya, itatatag ang modelo ng bagong relasyon ng malalaking bansa
Yang Jiechi, dadalo sa ika-16 na estratehiko at panseguridad na pagsasanggunian ng Tsina at Rusya