Mga lider ng Tsina at Rusya, nag-usap; China-Russia Treaty of Good-Neighborliness and Friendly Cooperation, napahaba

2021-06-29 10:57:22  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, nag-usap Lunes ng hapon, Hunyo 28, 2021 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

Sa isang magkasanib na pahayag, pormal na ipinasiya ng mga lider ng dalawang bansa ang pagpapahaba sa China-Russia Treaty of Good-Neighborliness and Friendly Cooperation.

Tinukoy ni Xi na sasalubungin ng Tsina at Rusya ang ika-20 anibersaryo ng pagkakalagda ng nasabing kasunduan.

Aniya pa, ang nasabing kasunduan ay katugma ng pundamental na kapakanan ng dalawang bansa, gayundin sa temang kapayapaan at kaunlaran na tunguhin ng kasalukuyang siglo.

Ito ay pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig at komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, sabi ni Xi.

Ipinahayag pa niya na dapat lagumin ng kapwa panig ang matagumpay na karanasan ng relasyong Sino-Ruso, at dapat isagawa ang pinakamainam na disenyo para sa mga bagong hangarin at misyon ng kooperasyon sa iba’t-ibang larangan upang mainiksyunan ng bagong bitalidad ang kasalukuyang siglo.

Maringal namang binati ni Putin ang sentenaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Ipinahayag niya ang pagpapahalaga ng panig Ruso sa kasaysayan ng pagpapalagayan sa CPC.

Ipinaabot din niya ang kasiyahan sa mataas na lebel at pambihirang relasyong Ruso-Sino at komprehensibo’t matatag na pagsulong ng kooperasyon ng dalawang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method