Mga sugong ASEAN, bumati sa 2021 ASEAN Media Partners Forum

2021-07-12 17:56:31  CMG
Share with:

2021 ASEAN Media Partners Forum, idaraos: Sec. Andanar at Amba. Sta. Romana, lalahok

 

Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG), gaganapin sa Beijing ang 2021 ASEAN Media Partners Forum sa Miyerkules, Hulyo 14, 2021.

 

Sa ngalan ng Pilipinas, lalahok sa naturang porum sina Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), at Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, kasama ng iba pang mga 80 panauhin mula sa 32 organisasyon.

 

Sa ilalim ng temang "Media Cooperation & Regional Development," ang porum ay isa sa mga aktibidad na nasa pagtataguyod ng CMG bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue relations ng Tsina’t Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na natatapat sa taong ito.

 

Narito ang mensaheng pambati mula sa mga embahador ng Vietnam, Malaysia, Thailand, at Indonesia.

 

 

Ulat: Jade

Pulido: Rhio 

Please select the login method