Kalagayan ng pandemiya ng COVID-19 sa buong mundo, muling lumalala—WHO

2021-07-13 14:42:48  CMG
Share with:

Inihayag nitong Lunes, Hulyo 12, 2021 sa Geneva ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na dahil sa pagkalat ng bagong mutasyon ng coronavirus at di-balanseng suplay ng bakuna, muling lumalala ang kalagayan ng pandemiya ng COVID-19 sa buong mundo.
 

Aniya, napakabilis na kumakalat sa buong mundo ang Delta variant ng COVID-19, bagay na humantong sa malaking pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso at pumanaw.

Kalagayan ng pandemiya ng COVID-19 sa buong mundo, muling lumalala—WHO_fororder_20210713WHO

Sa kasalukuyan, lumitaw ang Delta variant sa di-kukulangin sa 104 na bansa’t rehiyon, at tinayang magsisilbi itong pangunahing coronavirus na kumalat sa buong mundo sa maikling panahon.
 

Ikinababahala niya ang pagkansela ng ilang bansa ng mga protektibong hakbangin sa kalusugang pampubliko. Ipinalalagay niyang dapat isaalang-alang ng nasabing mga bansa ang epekto ng ganitong aksyon sa mga manggagawang pangkalusugan at sistemang medikal.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method