Mga gobernador ng iba’t ibang lugar ng Hapon, hinimok ang pamahalaang sentral na igarantiya ang sapat na suplay ng bakuna

2021-07-12 16:04:58  CMG
Share with:

Sa isang virtual conference nitong Linggo, Hulyo 11, 2021, ipinagdiinan ng mga gobernador mula sa 47 lalawigan, lunsod at county ng Hapon na dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sapilitang sinuspendi o kinansela ng maraming lugar ang pagbabakuna.
 

Hinimok nila ang pamahalaang sentral na ipagkaloob sa lalong madaling panahon ang sapat na bakuna sa iba’t ibang lugar, at isapubliko ang timetable ng distribusyon ng bakuna.
 

Kaugnay nito, muling lumalala kamakailan ang kalagayan ng pandemiya ng COVID-19 sa Hapon.
 

Noong Hulyo 8, ipinatalastas ni Punong Ministro Yoshihide Suga na papasok sa ika-4 na round ng state of emergency ang Tokyo, simula Hulyo 12.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method