Sinabi kahapon, Lunes, ika-28 ng Disyembre 2020, sa Beijing, ni Xiao Yaqing, Ministro ng Industriya at Teknolohiyang Pang-impormasyon ng Tsina, na sa susunod na taon, maayos na pasusulungin ng Tsina ang konstruksyon at paggamit ng 5G telecommunication network.
Winika ito ni Xiao sa pambansang pulong sa mga gawain ng industriya at teknolohiyang pang-impormasyon para sa taong 2021.
Sinabi niyang, sa susunod na taon, itatayo ang mahigit 600 libong 5G base stations, para magkaroon ang mas maraming lunsod ng serbisyo ng 5G.
Pasusulungin din ang paggamit ng 5G sa mga industriya, dagdag niya.